RITZ-Azul

BINIGYANG-linaw ni Ritz Azul ang isyung kumakalat na nag-inarte siya nang i-request ng staff ng Quiet Please! Bawal Ang Maingay, hosted by Richard Gomez with K Brosas, na magsuot ng shorts-shorts para sa taping ng ng comedy game show.

Ikinagulat ni Ritz ang tanong kung may mga limitasyon na siya pagdating sa pagpapa-sexy.

“Wow!” mariing sabi niya nang makausap namin. “Ngayon ko lang narinig ‘yun pero hindi eh. Kung ano pa rin ‘yung dating ginagawa ko, ganoon pa rin. Pero hindi ko talaga kayang mag-topless or something. Limitasyon? Wala naman basta lang ‘yung irerespeto pa rin naman ako.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

So, bakit may isyu na muntik nang hindi matuloy ang taping ng Quiet Please! dahil sa kanya?

“Baliktad nga ang nangyari roon. Naka-shorts-shorts kami at fit na fit na top. Pero ang talagang gusto nilang ipasuot, casual like pants ‘tapos glamor na pantaas. So, baliktad lang siguro ‘yung pagkakaintindi,” tinuran ni Ritz.

Ipinagpapasalamat ni Ritz na kahit wala pang bagong drama projects ang TV5 para sa kanya, inuulan naman siya ng suwerte bilang endorser ng Unisilver Time, Skin Central at Shawil Cosmetics.

“Kinikilig ako!” aniya. “Sabi ko nga, this year, kahit wala pa akong bagong project sa TV5, bumubongga naman ako sa labas kaya sulit na sulit pa rin. Saka doon ako nagpapasalamat sa mga sumusuporta sa akin na kahit wala akong teleserye this year, aside from Tropa Mo at Separados, ramdam na ramdam ko ‘yung suporta nila sa akin.

“Ramdam ko rin talaga ‘yung pagmamahal at suporta sa akin ng TV5. Hayan na at nag-uumpisa na tayo. Feeling ko, pressured ako. Dati, parang easy-easy lang. Masaya rin ako dahil pinagkakatiwalaan nila ako. Dapat magtulungan kami sa pag-angat. So, doon ako medyo nape-pressure,” pagtatapat ng dalaga.

Disappointed ba siya na hindi agad nasundan ng bago ang projects niya?

“Nalulungkot din ako dahil parang biglang nahinto ‘yung momentum from Misibis Bay and For Love or Money. Nanghinayang ako pero may pambawi rin dahil susunod na ‘yung Wattpad Presents: Savage Cassanova with Edward Mendez. Excited din ako for this new project,” sabi pa ng Golden Screen TV Awards Breakthrough Performance by an Actress winner.