Kris-Katie-at-Katrina_REGGEE-copy

ILANG beses nang nababalita na hiwalay na sina Kris Lawrence at Katrina Halili na lagi rin namang nagkakaayos, pero ngayon ay totohanan na at ang ibinigay na dahilan ng aktres ay gusto niyang mag-concentrate sa trabaho niya. Balik-showbiz na kasi si Katrina.

“Okay kami as friends, almost everyday pumupunta siya sa bahay, sa gabi pinapatulog niya si Katie,” sabi ng aktres.

Parang wala naman daw nabago sa pagsasama nila, ang nawala lang ay ‘yung, “romantically ek-ek,” napangiting sabi ni Katrina.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Inamin niya na naging cold na ang pakikitungo niya sa ama ng anak niya nu’ng buntis pa siya.

“Parang naging cold na ako, eh, akala ko buntis lang ako, ‘tapos hanggang sa naging one year old na si Katie, ganu’n pa rin ako. Nag-usap na kami nu’ng January pa na maghiwalay na kami ‘tapos hindi ko na rin siya pinapatulog sa house,” kuwento ni Katrina.

Nagsimula totally na padalaw-dalaw na lang si Kris sa anak nila simula noong Mayo at simula noon ay hindi na natulog ni minsan si Kris sa bahay ng mag-ina.

Inamin din ng aktres na umiiwas na siya kay Kris kapag naglalambing ito sa kanya.

“Napansin ko, sobrang cold ko na, sabi ko nga sa sarili ko, hindi naman ako taong-bato, hindi ko alam. Basta hindi ako nakipag-break para magpaligaw.  Nakipaghiwalay ako kasi gusto kong mag-work, feeling ko kasi kapag mayroon akong karelasyon parang feeling ko kuntento na lang ako, nagiging parang wala na akong gustong gawin sa buhay ko.

“Marami pa kasi akong gustong mangyari sa buhay ko and, hello, mahal magpaaral ng anak, ha?”

Nag-usap na rin sila ni Kris Lawrence na wala nang magsasalita tungkol sa paghihiwalay nila dahil baka lumaki lang ang isyu at hindi naman sila love team para pag-usapan ang love life nila.

Nakikipag-meeting na si Katrina sa GMA-7 kung ano ang plano ng network sa pagbabalik niya sa showbiz, “Tanggap lang ako nang tanggap dati ng role, ngayon siguro dapat nakaplano na.”

Masasabi pa ring suwerte ni Kris dahil hindi binanggit ni Katrina ang iba pang mga dahilan ng paghihiwalay nila dahil balita namin ay hindi pa pinaplano ng singer ang future ng mag-ina niya at kung may plano ba siyang pakasalan ang aktres.

Hanggang ngayon kasi ay wala pang sariling bahay si Kris na nakikipisan lang sa bahay ng best friend niyang singer din na si JayR

E, di ba, Bossing DMB kapag may pamilya ka na dapat may sarili ka nang bahay o kaya mag-rent nang solo?  Bakit mas gusto pa rin ni Kris na si Jay R ang kasama niya sa bahay kaysa sa mag-ina niya?