People Katie Holmes

NEW YORK (AP) — MULING gaganap si Katie Holmes bilang Jackie Kennedy Onassis sa teleserye na pinamagatang The Kennedys-After Camelot.

Karugtong ito ng naunang serye na The Kennedys para sa ReelzChannel batay sa libro ni Randy Taraborrelli.

Ang nasabing serye ay magsisimulang paghandaan at kumpletuhin sa susunod na taon at nakatakdang ipalabas sa telebisyon sa 2016.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Magkakaroon ng isang episode si Holmes na siya mismo ang magdidirek, habang si John Cassar, na siyang direktor ng The Kennedys, ang magdidirek ng tatlong natitirang episode.

Ang The Kennedys ay ipinalabas sa History, ngunit hindi nagtagal dahil inalis ito nang hindi pumatok at pagkaraan ng ilang buwan ay napili ng ReelzChannel at nagustuhan ng mga manonood noong 2011.

Kasamahang bida ni Katie si Greg Kinnear na gumanap naman bilang John F. Kennedy. Naging nominado si Kinnear sa Emmy at SAG Award, at si Barry Pepper naman ang nanalo sa Emmy Award bilang outstanding lead actor.