Sa layuning makatulong sa paglaban sa nakamamatay na Ebola virus, magpapadala na ng mga tauhan ng Philippine Red Cross sa West Africa.

Ito ang kinumpirma ni PRC Chairman Richard Gordon, sinabing sa ganitong panahon ay kailangan ang magkakatuwang na suporta ng international community para mapigilan na ang pagkalat ng nakamamatay na sakit.

“We have to contain the Ebola virus in those areas, so as to protect our borders. In this day and age of air travel, we have to make sure that we have the necessary mechanisms in place to detect the Ebola virus at our airports, and have prepared isolation facilities when necessary,” pahayag ni Gordon.

“Ebola will come to the Philippines so the fight against Ebola must be waged in West Africa, and we must join the battle now so we can learn more about the pandemic. That is our humanitarian duty as Filipinos, which we are well known for throughout the globe,” dagdag pa ni Gordon.

'Mauubos lang ang oras ko:' Leila De Lima, iisnabin na lang mga basher

Kaugnay nito, dumalo ang pinuno ng Red Cross sa pulong ng International Federation of the Red Cross sa Geneva, na isa sa napagkasunduan ang pakikibahagi ng Pilipinas sa pinalakas na hakbang kontra sa Ebola.

Tiniyak ng International Federation of the Red Cross (IFRC) ang suporta para sa volunteers na magtutungo sa lugar.

Isang buwan lang ang deployment sa mga tauhan ng Red Cross at sasailalim sila sa quarantine sa loob ng 21 araw pagkatapos ng kanilang tour of duty.