“Para sa kaalaman ng lahat, muli nating inaanunsyo na saklaw ng PhilHealth ang animal bites gaya ng kagat ng aso.”

Ito ang ipinahayag ni Dr. Israel A. Pargas, vice president for corporate affairs, sa panayam ng Balita sa paglulunsad sa Z package sa catastrophic cases na orthopedic implant at peritoneal dialysis sa Legend Villas, Mandaluyong City. Idinagdag niyang P3,000 ang sagot ng PhilHealth sa pagpapagamot sa animal bites.

Kasalukuyan ding ipinatutupad ng PhilHealth ang no balance billing (NBB) para malibre ang pagpapagamot ng mga indigent, sponsored at kasambahay. Mahigit sa P53 bilyon ang nakalaan para dito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho