HYDERABAD, India (AP)— Sinimulan nang linisin ng rescue workers at mga sundalo ang mga nabuwal na punongkahoy at poste ng kuryente na humarang sa mga kalsada sa silangang India matapos ang bagyong Hudhud na pumatay ng 24 katao at winalis ang libu-libong kabahayan. Sa Japan, isang 90-anyos na lola ang namatay sa bagyong Vongfong at 75 ang nagtamo ng mga pinsala sa Okinawa bago ito lumihis patungong karagatan noong Martes ng umaga.

Sa pagbuti ng panahon noong Lunes, lumipad ang mga eroplano at helicopter ng air force para maghulog ng mga pagkain sa mga apektadong lugar sa Visakhapatnam, ang lungsod na pinakamatinding tinamaan ng bagyo noong Linggo, sinabi ng Indian Home Ministry.

Halos 11,853 katao ang inilikas sa estado ng Andhra Pradesh at 1,403 sa estado ng Orissa, ayon sa mga awtoridad.

Eleksyon

Vic Rodriguez, pamumunuan ang 'tunay na oposisyon' sa senado