Paul George, Kevin Durant

Oklahoma City (AFP) – Hindi muna makapaglalaro ang four-time NBA scoring champion na si Kevin Durant, ang NBA Most Valuable Player noong huling season, dahil sa natamong broken right foot, ito ay inanunsiyo ng Oklahoma City Thunder noong Linggo.

Si Durant, na inireklamo ang pananakit ng paa makaraang mag-workout noong Sabado, ay kakailanganing maoperahan para sa bali sa ilalim ng maliit na daliri, na karaniwan ay kakailanganin ang anim hanggang walong linggo ng recovery time ngunit maaaring mas magtagal depende sa lagay ng injury ni Durant.

Ang 26-anyos na forward ay hindi makapaglalaro sa unang anim na linggo ng paparating na NBA season, may 20 laro o malapit sa quarter ng season.

National

Sen. Imee sa mga 'gigil' i-impeach si VP Sara: 'Demokrasya ang gusto n'yong paglaruan!'

"After practice yesterday, Kevin made us aware of discomfort in his right foot," lahad ni Thunder general manager Sam Presti. "We proceeded to perform the necessary imaging studies to determine the cause of his discomfort.

"We are in the process of collaboratively evaluating the most appropriate next steps with Kevin, his representatives, and Thunder medical personnel. Until a course of action is determined, we are unable to provide a timeline specific to Kevin's case."

Sinabi ni Presti na masuwerte ang koponan at maaga nilang nalaman ang tungkol sa injury.

Dito ay pagsisikapan nilang makabalik si Durant para sa pakikipagharap ng Thunder sa top superstar ng NBA na si LeBron James at ang Cleveland Cavaliers sa kanilang bakuran sa Disyembre 11 sa isa sa inaabangang matchup ng season.

Si Durant ay nag-average ng 32 puntos, 7.4 rebounds at 5.5 assists kada laro noong nagdaang season at pinangunahan ang Thunder sa Western Conference finals bago napatalsik ng nag-kampeong San Antonio Spurs.

"In these cases, we can withdraw or advance and we're going to advance," ani Presti. "I have confidence in the team that we've built here. How we react, how we respond, how we adjust, how we adapt, that's going to be the measure of our team."

Makaraang mapanalunan ang scoring crown noong huling season, napahanay siya kina Michael Jordan, Wilt Chamberlain at George Gervin bilang mga natatanging manlalaro na nakapanalo ng apat na NBA scoring titles sa loob ng limang taon.

Sa loob ng 542 regular season games sa loob ng pitong NBA seasons, si Durant ay nag-average ng 27.4 puntos at 6.9 rebounds.