MURSITPINAR, Turkey (AFP)—Sinalubong ng matinding paglaban ng mga Kurdish ang mga umaatakeng Islamic State jihadist noong Linggo sa bayan ng Kobane sa hangganan ng Syria, ngunit sa Iraq pinahirapan nila ang mga puwersa ng gobyerno.

Isang dambuhalang maitim na usok ang nasilayan sa kalangitan ng Kobane, habang iniulat ng Syrian Observatory for Human Rights ang maraming namatay na jihadist. Agad na nagpadala ang IS ng reinforcements at nagpakawala ng 11 rocket-propelled grenade sa sentro ng bayan.

Nagawa ng Kurds na umabante ng 50 metro patungo sa kanilang headquarters, dalawang araw matapos itong maagaw ng mga jihadist.

“Sa Cairo, nanawagan ng pagkilos si UN chief Ban Ki-moon para mapigilan ang “massacre” sa Kobane.

Probinsya

Mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, kumpare raw ng mga biktima