EDU-Manzano

ILANG taon ang nakararaan nang kinukumbinsi ni Edu Manzano ang anak na si Luis Manzano na iwanan ang pagiging Kapamilya at sumunod sa kanya bilang contract star ng TV5.

Mabuti na lang at hindi sinunod ni Luis ang ama!

Ayon kasi sa isang taong malapit kay Luis ay balik-Kapamilya na si Edu Manzano. Hindi na raw ito nag-renew ng kontrata sa Kapatid Network. Ilang taon ding naging contract star ng TV5 si Edu.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tiniyak ng source namin na makakasama si Edu sa isang bagong teleserye ng Dos. Mismong isa sa executive ng Kapamilya Network ang kausap ng aktor, sabi ng spy namin, at isinama ito sa seryeng pagbibidahan nina Jericho Rosales, John Lloyd Cruz at Maja Salvador.

Hindi na raw tumanggi si Edu dahil bukod sa napakaganda ng role niya ay may negosasyon pa para naman sa pagho-host nito sa isang variety show.

Matatandaan na ang huling show ni Edu sa Dos ay ang Pilipinas Game Ka Na Ba.

Dagdag pa ng spy namin sa Dos, sa muling pagbabalik ni Edu sa bakuran ng Dos ay malamang na sa kanya ibigay ang hosting jobs na nakalaan para kay Luis na early next year maghahanda na para sa kanyang political career.