CARL-Guevarra

SA pocket interview namin kina Eula Caballero at Carl Guevarra sa Wattpad Presents Almost A Cinderella Story ng TV5 ay tinanong ni Yours Truly ang huli kung bakit pumayat siya nang husto.

Sagot ni Carl, nag-diet kasi siya nang husto.

Ipinagdiinan niya na walang kinalaman ang pagka-payatola khomeni niya ngayon sa naging break-up nila ni Kris Bernal. Hindi na raw niya iniisip pa ang kanyang ex-girlfriend ngayon dahil naka-focus siya sa trabaho.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

When asked kung ano ang intensity ng nararamdaman pa niya kay Kris, from the scale of 10 to 50:

“Ten na lang,” walang kurap niyang sagot.

Oks lang sa kanya kung ma-in love man si Kris Bernal kay Dennis Trillo kasi hindi naman daw imposibleng ma-in love rin siya kay Eula Caballero at ganu’n din naman ang Eula nang tanungin namin.

Pero sa serye nilang Almost A Cinderella Story ay masyado niyang pinahirapan si Eula at ginawa niya itong genie na kailangang tuparin ang kanyang 10 wishes, para ‘di niya ipakulong sa kasong rape. In pernes, bagay sila.

This October 13, Mondays to Fridays, at 7:30 PM, ang airing ng Wattpad Presents Almost A Cinderella Story only sa Happy Kapatid Network. Joining this rom-com series are Carmi Martin, Marvelous Alejo, Artista Academy scholar Chris Leonardo, Star Factor finalist Christine Serrano, Jhayvot Galang and Danes Lee.