Ni ELLSON QUISMORIO

Ang kontrol ng tubig, isang mahalagang pinagkukunan ng kuryente sa Mindanao, ang posibleng pagmumulan ng isa na namang sigalot sa rehiyon kapag hindi maayos -maayos na natugunan ng ad hoc committee sa Kongreso na humihimay sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sa ikatlong pagdinig ng ad hoc panel noong Miyerkules, sinabi ni Mindanao Development Authority (MinDA) Chairperson Luwalhati Antonino na magiging “problematic” kung ang dalawang entity— ang pambansang gobyerno at ang lokal na pamahalaan ng bubuuing Bangsamoro—ang mamamahala sa Lake Lanao, na nagbibigay ng elektrisidad sa rehiyon sa pamamagitan ng mga hydropower plant.

“I’m concerned about the protocol because the protocol determines how much water is released. I am questioning this because we in Mindanao don’t want to have a war over water. There is a history of fighting over water sources,” ani Antonino sa komite na pinamumunuan ni Cagayan de Oro 2nd district Rep. Rufus Rodriguez.

Eleksyon

Mga opisyal at kawani ng Manila City Hall, pinaiiwas ni Mayor Honey sa pamumulitika

“If we are very clear that only the national government has control over the water protocol, then I will not have questions,” dagdag niya.

Dumalo si Antonino bilang resource speaker upang tulungan ang mga mambabatas sa paghihimay sa BBL, na sa sandaling pinagtibay ay opisyal na lilikha sa Bangsamoro sub-state sa magulong katimogan ng Mindanao.