James-Blanco

PAGKATAPOS ng ilang taon ding paggawa ng mga teleserye sa ABS-CBN, balik-Kapuso naman si James Blanco.

Sa GMA Network siya nagsimula pero ngayon ay freelancer na siya at mina-manage ng fashion designer na si Paul Cabral. Nakapagtrabaho na rin siya sa TV5.

Sugo na pinagbidahan ni Richard Gutierrez ang huling project niya sa GMA noong 2005, bago siya lumipat sa Kapamilya Network. Ngayon, kasama siya sa cast ng Yagit na naging matagumpay noong late 80s sa telebisyon at pelikula.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

May pagbabago ba siyang nakita sa pagbabalik niya sa GMA Network?

“Napansin kong wala pa rin silang star system na tinatawag,” sagot ni James nang tanungin after ng grand presscon ng serye sa Studio 6 ng GMA Annex. “Dito, kapag binigyan ka muli ng pagkakataon, kahit mababa ka, may pangalan ka, pare-pareho ang importansiyang ibinibigay nila. Aaminin ko na noong una, medyo kabado ako, siyempre, hindi mo alam kung paano ka tatanggapin. Kung ano ang tingin nila ngayon sa iyo. 

“Pero mali ako, hindi ako dapat kinabahan, kasi mainit ang pagtanggap nila sa akin, sa story conference pa lang namin. Parang hindi ako nawala, marami pa rin sa mga dinatnan ko iyong mga nakasama ko na noon. Although ang co-stars ko, marami sa kanila, ngayon ko pa lang makakasama, ang ganda-ganda ng working relationship namin, siguro dahil may mga bata, na nakakatuwang kasama.”

Gagampanan ni James ang role ni Victor Guison, may kaugnayan siya sa isang batang yagit, si Eliza (Chlaui Malayao) na anak nila ni Dolores (Yasmien Kurdi).  Sa TV version ng Yagit noon ay si Ernie Garcia ang gumanap ng kanyang role, sa movie version, si Dindo Fernando. Ano ang masasabi niya na dalawang mahuhusay na actor ang gumanap noon sa role niya ngayon?

“Hindi maiiwasan na may kaba, pero pagbubutihin ko ang pagganap, lalo pa at napakahusay ng aming director, si Ms. Gina Alajar.  Mahuhusay din ang mga kasama ko sa cast, sina LJ Reyes, Renz Fernandez, Kevin Santos, Wowie de Guzman at sina Rich Asuncion, Frank Magalona, Ina Feleo, Maricris Garcia at si Ms. Raquel Villavicensio. Mahuhusay din ang mga bata na wala pa halos acting experience dahil dumaan sila sa audition bago sila napili para sa kani-kanilang role.”

Bukod kay Chlaui, ang tatlo pang gaganap na batang yagit ay sina Jemwell Ventinilla as TomTom, Zymic Jaranilla as Ding at si Judie dela Cruz as Jocelyn. Binigyan ng special role si Steph Yamut bilang si Tiffany dahil nanghinayang sina Direk Gina na hindi siya makasama sa cast.  Si Jirvy dela Cruz na dating gumanap bilang Ding sa original story ay isinama rin ngayon bilang si Kagawad Butch. Mapapanood na ang Yagit simula sa Lunes, October 13, pagkatapos ng The Half-Sisters.