Mga laro ngayon:

(FilOil Flying V Arena)

12 p.m. Mapua vs. San Beda (jrs)

2 p.m. JRU vs. Perpetual Help (srs)

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

4 p.m. Arellano vs. San Beda (srs)

Sino ang ookupa sa mga upuan para sa Final Four ng seniors division sa nakatakdang playoff matches ngayon ng NCAA Season 90 basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City. 

Nakatakdang paglabanan ng Arellano University (AU) at defending 4-peat champion San Beda College (SBC) ang No. 1 spot sa kanilang playoff match sa ganap na alas-4:00 ng hapon matapos ang unang playoff upang alamin naman kung sino ang papasok na third seed sa pagitan ng season host Jose Rizal University (JRU) at University of Perpetual Help sa ganap na alas-2:00 ng hapon.

Ngunit bago ang nasabing playoff matches sa seniors division, magtutuos muna ang Mapua Red Robins at ang defending champion San Beda Red Cubs upang paglabanan naman ang top seed sa juniors division. 

Ang mananalo sa kanilang laban sa ganap na alas-12:00 ng tanghali ang siyang makakatapat ng No. 4 team na JRU Light Bombers habang ang matatalo ang makakatunggali naman ng No. 3 team na Letran Squires. 

Naitakda ang playoff ng Chiefs at Red Lions nang matalo ang una sa kanilang huling laro sa eliminations sa kamay ng Lyceum of the Philippines University (LPU) na dapat sana’y magbibigay sa kanila ng top seeding papasok sa Final Four. 

“Laban pa rin kami, kahit naman kasi sinong makatapat sa Final Four malakas e, wala kang pagpipilian sa Arellano at San Beda. Pero mas maganda ‘yung papasok ka sa semis na galing sa panalo para maganda ‘yung momentum at mataas ang morale ng mga player,” pahayag ni Altas coach Aric del Rosario na nanood pa sa Flying V Arena sa huling araw ng eliminations noong Miyerkules ng hapon. 

Ang mananalo sa playoff sa pagitan ng Red Lions at Chiefs ang makakatapat ng matatalo naman sa playoff ng Altas at Heavy Bombers habang ang magwawagi sa pagitan ng JRU at Perpetual ang makakatunggali ng mtatalo sa laban ng San Beda at Arellano.