SAM Milby

KATAKUT-TAKOT na stress ang naranasan nina Sam Milby, Gerald Anderson, Maja Salvador, Rayver Cruz, Angeline Quinto, Erik Santos at iba pang mga artistang dumating sa NAIA Terminal 2 para lumipad noong Martes ng gabi patungong Los Angeles, USA para sa ASAP Live in LA dahil sa matinding trapik sa C5.

Alas nuwebe ng gabi ang flight ng mga artistang bumubuo ng ASAP pero alas siyete y media na ng gabi ay stranded pa rin sila ng C5 dahil sa matinding trapik na halos hindi na gumagalaw.

Sobrang pressure ang dinanas ng mga nabanggit na artista kaya tawagan na sila nang tawagan kung nasaan na ang location ng bawat isa, at maging ang mga handler nilang nauna na sa NAIA para i-check-in na sila ay kabado na rin dahil baka maiwan na sila ng eroplano.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kapag naiwan kasi sila ng eroplano ay sila na ang magbabayad sa pamasahe at depende pa kung may available flight.

Nalaman namin sa personal assistant ni Sam Milby hindi na nagsayang ng oras ang aktor at nakiusap sila sa isang motorcycle rider kung puwede siyang ihatid sa NAIA.

“Mabuti na lang, Ate Reggee, may mababait na tao at pumayag silang ihatid si Pogi (tawag niya kay Sam) sa NAIA.

“Si Angeline nga nadaanan ang sasakyan namin, kumatok sa salamin akala nasa loob pa si Sam, sabi ko nagmotor na papuntang airport.

“Hindi lang si Sam ang natrapik, marami sila, pati yata si Gary V, natrapik din,” kuwento ng loyal PA ng aktor.

First time raw nangyari kay Sam na mahuli sa flight dahil kadalasan ay dumarating na siya sa airport dalawang oras bago ang flight niya.

Pagkalipas ng 30 minutos ay nag-post naman nito sa social media ang handler ng Star Magic na si @nhilanhils tungkol sa ginawa naman nina Gerald at Maja:

“Tom Cruise ka ba or James Bond? Ikaw na @andersongeraldjr! Sa tindi ng traffic and para makaabot sa flight for‪ #‎ASAPLiveInLA OK GO, he paved the way and rode a motorbike together with @iammajasalvador. All for the love for our TFC kapamilya! Good job ka jan Ge! Proud ako! Hehe!”

Bago mag-alas nuwebe ay nag-post naman ang handler ng Star Magic na si @whengcorpuz, “They made it through the traffic! @samuelmilby @andersongeraldjr @rayvercruz @iammajasalvador.”

Nalaman namin kahapon na nakahabol si Angeline sa flight, nakiusap at umangkas na rin sa motorcycle rider.