Princess Charlene

DOUBLE royal trouble!

Kambal ang ipinagbubuntis ni Princess Charlene of Monaco, kinumpirma ng source sa Us Weekly.

Inihayag ng mom-to-be at ng asawang si Prince Albert II noong Mayo na magkakaanak na sila. “The birth is expected at the end of the year,” sabi sa pahayag ng mag-asawa nang panahong iyon sa Us.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Si Princess Charlene, 36, at ang 56-anyos na si Albert II — anak ni Rainier III, Prince of Monaco at ng namayapang legend na si Princess Grace Kelly — ay nagkakilalala noong 2000 sa isang swimming competition. Ang royal couple ay ikinasal kalaunan sa Monaco noong Hulyo 2011.

Nagkuwento si Albert II tungkol sa pagbubuntis ng kanyang asawa sa pagbubukas ng bagong Monaco Yacht Club noong Hunyo.

“[We’re] taking every cautious step to make sure everything goes well,” aniya, sa Daily Mail. Idinagdag niya sa Associated Press na “overjoyed” at “thrilled” silang mag-asawa sa susunod na kabanata.

Ang kambal ang magiging unang anak ni Princess Charlene (maiden name: Wittstock). Ipinakita niya ang kanyang lumolobong tiyan sa Seventh Annual World Focus on Autism event sa NYC noong Setyembre 25. Si Albert II ay may mga anak na sa dating mga nakarelasyon -- sina Jazmin Grace Grimaldi, 22, at Alexandre Coste, 10.