Rayver Cruz

HALATANG kinikilig din si Rayver Cruz sa leading lady niyang si Kylie Padilla na nauna nang umamin na kinikilig sa kanya.

Sa presscon ng Dilim handog ng Regal Entertainment, napansin ng entertainment press na walang ginawa ang dalawa kundi magharutan at nahuhuling panay ang hawak ni Rayver sa likod ni Kylie.

Aminado ang aktor na posible niyang ligawan ang dalaga. At kung mauwi sa seryosohan ang relasyon nila, posible bang magpa-convert si Rayver sa Muslim?

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

"Oo nga ‘no?" medyo napaisip na sabi ni Rayver. "Pagdating na sa kasalan? Hindi ba puwedeng pag-usapan ito? Kasi sagradong Katoliko rin ako?”

“Ang bigat naman niyan (tanong),” susog naman ni Kylie.

Sabi ng ilang veteran columnist, puwedeng mangyari iyon dahil si Mariel Rodriguez ay hindi naman napilit ni Robin na magpa-convert at masaya silang nagsasama ngayon. Sa katunayan, may plano sanang magpakasal ang dalawa sa Catholic church, na hindi lang natuloy dahil may problema sa parte ni Binoe.

“Oo nga, eh, ‘di hati, na lang,” nakangiting sabi ni Rayver. “So dalawang kasalan? Sus, magastos!”

"Marami namang kasalang naganap, maski nga sa Igorot, nagpakasal sila (Robin at Mariel),” nakakaaliw na obserbasyon ni Kylie.

Handang humarap si Rayver kay Robin kung manliligaw siya kay Kylie.

“Kung dumating ‘yung time na maramdaman ko ‘yun, oo naman, bakit hindi. Iyon naman kasi talaga ang normal, ‘di ba?” katwiran ng binata.

Hindi siya takot kay Robin?

“Eh, kung wala ka namang masamang intention bakit kailangan mong matakot?”

Hindi rin kailangang ipaglaban ni Kylie si Rayver kung sakali.

"Hindi na kailangan kasi gusto na siya ni Papa, may ganu’ng drama. Nakakapagod na. Mabait daw siya (Rayver),” sey ni Kylie.

Samantala, nakaplano ba talagang hindi muna maggi-girlfriend si Rayver?

“Hindi naman sadya, kasi ‘yung kay Cristine (Reyes), hinintay ko rin naman, kusang dumating lang. 'Yung ngayon, kasi parang nag-e-enjoy lang ako na ako lang mag-isa, nag-eenjoy ako kasama ang family ko 'tapos focus din ako sa trabaho. Darating naman ‘yun, mahirap namang pigilan kung darating,” pahayag ng aktor.

Plano nga ba niyang balikan si Sarah Geronimo noong wala pa si Matteo Guidicelli sa buhay ng singer/actress?

“Ay, hindi naman, wala naman pong ganu’n,” salag ng aktor.

Magkaibigan ba sila ni Sarah ngayon?

“'Pag nagkikita kami sa ASAP, ganunan (batian) na lang kasi ang layo niya, pinakamarami siyang entourage,” sagot ni Rayver.

Pinuri ni Rayver si Matteo dahil, “Sobrang bait nu’n, matagal ko nang kaibigan ‘yun, pareho kaming taga-South, iisa ang trainor namin, kaya maski sinong babae, suwerte kay Matteo. Same thing with Matteo, suwerte kay Sarah, suwerte sila sa isa’t isa.”

Wala siyang record na binabalikan niya ang kanyang ex-girlfriend.

“Wala, kasi para sa akin 'pag tapos na, tapos na.”

Mapapanood na ang Dilim sa Oktubre 22 kasama sina Rafael Rosell, Joros Gamboa, Natalie Hart, Ella Cruz at Manny Castañeda mula sa Regal Entertainment, Inc. sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.