NAPAULAT na “touched” si Katy Perry sa pakikipagkaibigan sa kanya ng miyembro ng One Direction na si Harry Styles.

Naiulat na magkasamang kumain si Harry at ang 29-anyos na singer sa Malibu noong nakaraang buwan. Namataan umano silang “pretty happy” sa buong gabing pagsasama nila.

Gayunman, napaulat na nangangamba si Harry, 20, na ang pagsama sa kanya ni Katy ay may kinalaman sa alitan nito at ng dati niyang nobya na si Taylor Swift. Sa panayam ng Rolling Stone magazine nitong Setyembre, nabanggit ng singer ng Shake It Off ang pagkaasar niya sa isang kapwa music star at marami ang nagsabing si Katy ang tinutukoy ni Taylor.

“I think he’s concerned Katy’s playing him to get back at Taylor for supposedly bad-mouthing her. Harry reached out to Katy, because if anyone knows how Taylor can be sometimes, it’s him,” sabi ng source saLook magazine ng Britain. “Katy was touched and asked him to dinner. She’s enjoying it, but there may be a little element of revenge behind it too.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pero hindi naman ito nangangahulugan na imposibleng magkapalagayan ng loob sina Katy at Harry. Tiyak namang marami nang natutuhan si Katy sa mga nakaraan niyang high-profile relationship, kabilang ang pagpapakasal niya sa comedian-host na si Russell Brand at pakikipagrelasyon niya sa kapwa singer na si John Mayer.

“They like each other. Katy and DJ Diplo are casually dating but she’s developed a huge crush on Harry, which she calls ‘unexpected’,” pagbubunyag pa ng source. “He looks up to Katy and loves that he isn’t your typical needy twentysomething.”

Sa panayam sa kanya, iginiit ni Taylor na hindi tungkol sa lalaki ang hindi nila pinagkasunduan ng isang mystery celebrity, pero nagbigay siya ng clue na kapwa nila ex-boyfriend si John Mayer.

“It had to do with business. She basically tried to sabotage an entire arena tour,” kuwento ni Taylor. “She tried to hire a bunch of people out from under me. And I’m surprisingly non-confrontational — you would not believe how much I hate conflict. So now I have to avoid her. It’s awkward, and I don’t like it.” - Cover Media