Maaaring tulungan ng mga abogado ng Philippine National Police (PNP) ang isang mataas na opisyal ng PNP na ang business card nito ay hindi lamang ginamit ng isang modelo upang makalusot sa traffic violation kundi ibinandera pa sa social media.

Sinabi ni Senior Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP, na pinag-aaralan na ng PNP Legal Service ang pagbibigay ng legal assistance kay Directorate for Plans Chief Supt. Alexander Ignacio sa paghahain ng kaso laban sa modelong si Alyzza Agustin.

Sa isang text message, sinabi ni Ignacio na magsasampa siya ng kaso laban kay Agustin kapag nakabalik na siya sa bansa.

Dumating sa Pilipinas noong Biyernes si Ignacio matapos dumalo sa pagpupulong ng mga PNP official sa Southeast Asia sa Malaysia.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Hindi dapat palampasin ang ganyan,” pahayag ni Ignacio. - Aaron Recuenco