LUIS Manzano

ISANG source na malapit kay Luis Manzanoang nagbalita sa amin na malapit nang maging pag-aari ng aktor ang isang property na matagal niyang pinapangarap na mabili.

Ayon sa kausap namin, kung medyo bantulot noong una ang mayari ng naturang property na ipagbili ito, ngayon ay medyo lumambot na at any day now ay magkakasarahan na sila ni Luis.

Ito ay dahil sa sobrang pangungulit ni Luis na talagang hindi na tinigilan sampu ng mga taong malalapit sa kanya ang may-ari ng property.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dagdag rin ng source namin, bukod sa malaking property na ‘yun sa Batangas ay may negosyo rin siyang bubuksan sa probinsiyang pinamumunuan ngayon ng kanyang mother dear na si Gov. Vilma Santos-Recto.

‘Yun nga lang, ayaw namang aminin bagamat hindi rin naman itinanggi ni Luis ang balitang ito nang itanong namin sa kanya.

Pero inamin ng aktor na pangarap niyang magkaroon ng sariling beach house at sa panahon na hindi na siya ganito kaaktibo sa showbiz ay sa naturang lugar niya balak maglalagi.

Samantala, kay Luis namin nalaman na nag-aaral ng Agriculture ang kasintahan niyang si Angel Locsin. Balak daw kasi ni Angel na magkaroon ng organic farm.

“I want small beach house at maging dive master kung gusto ko nang magretire, pero siya naman gusto niya, eh, bundok,” sey ni Luis.

So, may katotohanan ang nakarating sa amin ng isang malawak na lupain na malapit sa dagat ang gustong bilhin ni Luis Manzano, para naroroon na rin ang organic farm at para palagi lang silang magkasama ng kanyang future wife.