Tatlong paslit ang namatay nang araruhin ng isang truck ang isang nakaparadang jeepney na roon sila naglalaro sa Bagong Silang, Caloocan City noong Biyernes ng hapon.

Ang mga nasawi ay nakilalang sina Jerwin Mendoza, 9; Chaves Estopan, 7; at Edrian Puyson, 5.

Naglalaro umano ang tatlong paslit sa isang nakaparadang jeep nang bungguin ang huli ng truck na minamaneho ni Randy Molo sa Phase 10-B, Bagong Silang dakong 3:00 ng hapon.

Sa laki ng truck at matuling takbo nito, kinaladkad pa umano nito ang pampasaherong jeepney nang ilang metro na nagresulta ng pagkakaipit ng tatlong biktima sa loob ng sasakyan.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Nahaharap ngayon sa kasong multiple homicide at damage to properties si Molo.

Idinahilan ni Molo sa pulisya na nawalan siya ng kontrol sa manibela ng sasakyan. - Ed Mahilum