Patay ang konduktor ng Dominion bus habang sugatan ang isang pasahero nito sa karambola ng limang sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX) kahapon ng umaga.

Ayon kay Robin Ignacio, traffic manager ng NLEX, dakong 5:00 ng umaga nang mangyari ang aksidente sa Kilometer 53, bago dumating ng Candaba viaduct.

Kinilala pa ang mga biktima.

Kabilang sa naaksidente ang truck na may kargang manok, isang dump truck, dalawang bus at isang pickup.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Sinabi sa ulat, nabangga ng Victory Liner bus ang likod ng truck ngmanok dahilan upang tumagilid ito. Tinumbong din ng Victory Liner ang paparating na Dominion bus na naging dahilan ng kamatayan ng konduktor ng bus at ikinasugat ng isang pasahero.

Bunsod nito, umabot sa apat na kilometro ang haba ng trapik na labis na ininda ng mga motoristang papalabas ng Metro Manila matapos isara ang buong southbound ng Kilometer 53. Partikular na umabot sa San Simon Exit ang pila ng mga sasakyan.

Dahil dito napilitang magbukas ng counterflow lane sa northbound lane ang NLEX.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa insidente.