UNITED NATIONS (AP) — Inihayag ng Iceland ang isang UN conference on women and gender equality — at tanging kalalakihan ang imbitado.

Sinabi ni Iceland foreign affairs minister Gunnar Bragi Sveinsson sa UN General Assembly ng mga lider ng mundo noong Lunes na natatangi ang “barbershop” conference sa Enero dahil, “it will be the first time at the United Nations that we bring together only men leaders to discuss gender equality.”

Sinabi ni Sveinsson na ang conference na tinipon ng kanyang bansa at ng Suriname ay magiging “exceptional contribution” sa mga pagdiriwang na magmamarka ng 20th anniversary ng makasaysayang UN conference on women sa Beijing.

National

Catanduanes, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol