TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Isang barangay kagawad ang binaril at napatay ng mga nanloob sa kanyang bahay sa Barangay Manag sa Conner, Apayao noong Lunes ng gabi.

Batay sa report ng radyo, kinilala ni Senior Insp. Manes Cadengan, hepe ng Conner Police, ang biktima na si Nelson Aswigue, kagawad ng Bgy. Manag sa Conner.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nanonood umano ng telebisyon si Aswigue nang biglang pumasok ang limang suspek sa kanyang bahay.

Tinutukan ng mga suspek ng baril ang biktima at pinilit siyang ilabas ang kanyang goldmine at pera.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Pero pumalag ang biktima kaya binaril siya ng mga suspek sa ulo.

Napaulat na agad na namatay si Aswigue.

Tinangay ng mga suspek ang isang kilo ng goldmine at ang hindi tinukoy na halaga ng pera ng biktima.

Napaulat na may maliit na minahan si Aswigue at nakatakdang ibenta nitong Martes (Setyembre 30) ang kanyang goldmine sa Baguio City.

Kinikilala at tinutugis na ang mga suspek, ayon kay Cadengan. - Freddie G. Lazaro