Isang panalo na lamang ang kailangan ng mga nagdedepensang kampeon na Centro Escolar University (CEU) at San Beda College (SBC) Alabang para mapanatili ang kanilang mga titulo matapos magwagi sa kanilang mga katunggali sa finals opener ng 45th WNCAA seniors tournament.

Tinalo ng reigning 3-time seniors basketball champion CEU ang Rizal Technological University (RTU), 66-56, sa larong ginanap sa Rizal Memorial Coliseum para mapalawig ang kanilang winning streak sa walong games.

Sa St. Scholastica’s Manila gym, dinomina naman ng SBCA ang RTU, 25-13, 25-23, 25-14, para sa 1-0 bentahe sa seniors volleyball championship series na humatak naman sa kanilang winning streak sa 9 laro.

Samantala, tinapos naman ng CEU ang apat na taong pagdomina ng RTU sa senior futsal kasunod ng kanilang ipinosteng 2-0 panalo sa finals sa Scorpions’ homecourt.

National

Unemployment rate sa ‘Pinas, bumaba sa 3.9% – PSA

Tinalo naman ng Assumption College (AC) ang Philippine Women’s University (PWU), 1-0, sa labanan para sa third place.

Sa midgets basketball, pinataob ng defending champion De La Salle Zobel ang St. Stephen’s High School, 49-26, para makumpleto ang 8-0 elimination round sweep at mapasakamay ang unang finals slot.

Magsasagupa naman ang defending junior champion Chiang Kai Shek College (CKSC) at ang La Salle College Antipolo sa isang best-of-three finals.

Tinalo ng CKSC ang Miriam College, 55-51, habang naungusan ng LSCA ang DLSZ, 60-53 sa ligang suportado ng Mikasa, Molten, OneA Bed and Breakfast, Goody, Monster Radio RX 93.1 at AksiyonTV.