Nahigitan na ng Treevolution sa Mindanao ang Guinness World Record para sa pinakamaraming puno na naitanim nang sabay-sabay sa magkakaibang lugar, na kasalukuyang hawak ng India.

Batay sa partial at unofficial count na isinapubliko noong Sabado ng Mindanao Development Authority (MinDA), may kabuuang 3,058,625 milyong puno na ang naitanim sa buong Mindanao.

Sa Davao City pa lang, may 71,759 ang naitanim sa apat na lugar, ayon kay Nelly Dominguez, National Greening Program (NGP) coordinator ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Davao City.

Sa Compostela Valley, kumpiyansa ang DENR ng probinsiya na naabot ang target areas at ang bilang ng binhi ng puno na naitanim—nasa 1,169 na ektarya sa mga bayan ng Laak at Maco ang tataniman ng 605,792 binhi ng 28,481 katao.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file sa pagkasenador at party-list sa huling araw

Sa Davao del Norte, mahigit 7,000 katao ang nakiisa sa Treevolution sa Sitio Cabadiangan, Barangay Sto. Niño sa Talaingod. - Alexander D. Lopez