Toni-Gonzaga-copy

HABANG ipinapalabas at ipinapakita ang newly renovated mansion ng pamilyang Gonzaga sa KrisTV with Kris Aquino’s interview kina Toni Gonzaga at Mommy Pinty ay nagpapalitan kami ng mensahe ng huli.

Naaliw kami na fully equipped ng CCTV cameras ang balaysung at lahat ng pinto ng bahay, kapag binuksan ay may kampanang kakalembang kaya malalaman ng lahat ng nasa loob ng bahay na may pumasok.

Sey ng butihing ina nina Toni at Alex Gonzaga, gustung-gusto na niyang magkaroon ng apo kay Toni. Pero mukhang may gustong makamtan pa ang anak niya bago nito harapin  ang pag aasawa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Gusto pala ni Toni na ma-achieve muna ang pangarap nitong maging concert producer.

Kuwento ni Mommy Pinty, bata pa si Toni ay marami na itong pangarap na halos lahat ay nagkatotoo na. Banggit pa rin, sobrang busog sa pangaral nilang mag-asawa si Toni.

Ipinagmamalaki ni Mommy Pinty na naimulat nila sa mga anak nila ang pagpapahalaga sa family values at ang palaging bukas na komunikasyon ng bawat isa sa buong pamilya.

Ang pagkaroon ng maunawaing boyfriend ay isa rin sa mga pangarap ni Toni. Ang pagdating ni Direk Paul Soriano sa buhay ni Toni ay isa sa mga dasal ng aktres.

“Ibinigay sa kanya ang tamang lalaki at talagang sobrang maunawain at pasensiyoso. Ang mga gusto namin na kung saan sila maaaring pumunta ni Toni at ‘yung ipinagbabawal naming bumiyahe sila na sila lang, eh, naunawaan niya,” sey pa ni Mommy Pinty.

Hindi rin daw nangyari na si Toni ang dumadalaw sa bahay ni Direk Paul kahit magkarelasyon na ang dalawa.

Samantala, may mga off the record kaming napag-usapan ni Mommy Pinty tungkol kina Direk Paul at Toni Gonzaga, huh!