Arboleda

Maaring siya ang may pinakamababang iniiskor sa tinaguriang Big Three ng University of Perpetual Help, ngunit tiyak naming naide-deliver ni Harold Arboleda ang kanyang mga puntos sa mga sandaling kailangang-kailangan ito ng Altas.

Ang tinaguriang workhorse ng Altas sa ginaganap na NCAA Season 90 basketball tournament ay pangatlo lamang pagdating sa scoring sa kanyang team sa kanyang average na  13.5 points,kasunod nina Juneric Baloria (21.2), at  Earl Thompson (16.4).

Ngunit noong nakaraang Lunes, ipinakita ni Arboleda na lagi syang maasahan ng kanyang koponan sa pamamagitan ng kanyang ipinakitang kabayanihan sa endgame para pangunahan ang Las Piñas-based dribblers sa 76-75 na pag-ungos sa defending champion  San Beda Red Lions.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bagamat umiskor lamang ng siyam na puntos sa nasabing laban, naibuslo naman ni Arboleda ang anim sa nasabing puntos sa final period  kabilang na ang dalawang winning free throws.

Dahil dito, walang pag-aatubili ang NCAA Press Corps para igawad sa kanya ang parangal bilang ACCEL Quantum-3XVI Player of the Week.

Tinalo ni Arboleda na nagdiwang ng kanyang ika-24 na kaarawan noong Setyembre 9 sina  Keith Agovida  ng Arellano Univeristy at Jaycee Asuncion ng  Jose Rizal University para sa naturang lingguhang citation na suportado ng Bactigel hand sanitizer, Doctor J Mighty Alcohol at Mighty Mom Dishwashing.

Kasunod nito ay naipanalo din ng Alta sang sumunod nilang laro sa pamamagitan ng forfeiture kontra Emilio Aguinaldo College Generals noong nakaraang Biyernes na naging dahilan upang umangat sila sa  barahang 10-6 kapantay ng Heavy Bombers.

Bunga nito, lumakas ang kanilang tsansa na makahabol sa Final Four round na ayon kay Arboleda ay hindi nila sasayangin.

“Aakyatin namin ang pinakamataas na bundok para marating namin ang Final Four,”anang nag-iisang pick ng Talk ‘N Text sa nakaraang PBA Rookie Draft.