Jodi-and-Richard

TINANONG ang business unit head ng Be Careful With My Heart na si Ms. Ginny Ocampo kung bakit kailangan nilang tapusin ang kumikita at nagri-rate na serye nina Maya (Jodi Sta. Maria) at Ser Chief (Richard Yap).

“Gusto naming mabigyan ng magandang ending ang show, so nu’ng tiningnan namin ‘yung tatakbuhin ng kuwento, feeling namin, ito na ‘yung right time para i-end ‘yung story,” sagot ng TV executive kasunod ang pasasalamat sa lahat ng sumusubaybay sa Be Careful with My Heart.

Tinanong naman namin ang executive producer ng programa na si Nars Gulmatico kung bakit hindi pa pinaabot ng Disyembre ang pagtatapos ng BCWMH dahil bitin ang November 28. “Gusto ko namang magpahinga at ayokong ma-stress ng Pasko,” pabirong sagot sa amin.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Actually, in fairness to management, binigyan kami ng karapatan to decide kung kailan mag-i-end ‘yung show,” say sa amin ng EP.

Paano tatapusin ang kuwento ng BCWMH? Ano pa ang mga dapat abangan dahil parang plant sado na ang kuwent o hanggang katapusan?

“Hindi pa, we still have 9 weeks to tape, taping pa kami halos araw-araw, abangan nila for the next 9 weeks, magbabago ang buhay ng buong pamilya, so they have to watch that.

“Kasi di ba, it’s always been happy, so titingnan natin ang the high, the low of each family, siyempre magbibigkis pa rin sila sa end, kapit-bisig ‘yun,” sabi sa amin.

So, may trahedya pala, mamamatay o mawawala ba sa show?

“Definitely walang mamamatay, pero there will be a change of lifestyle, hindi naman sila maghihirap kasi mayaman naman sila (Sir Chief at Maya), hindi ganu’n kahirap, kasi nakapagsubi naman si Sir Chief, panoorin n’yo na lang, malapit na,” paglalarawan sa amin ng bossing ng programa.