GENERAL TRIAS, Cavite – Isang babaeng preso ang namatay matapos mabagok nang tumalon sa isang maputik na lugar sa kanyang pagtakas sa piitan sa Bacao sa bayan na ito noong Miyerkules ng umaga.

Walang malay si Joey Almonte Fontalba, 32, nang siya’y dalhin ng mga volunteer sa Divine Grace Medical Center sa Barangay Tejero kung saan siya nalagutan ng hininga kalaunan.

Tumalon sa putikan si Fontalba nang ito ay paputukan ng PO1 Jowel Bawalan Otic, duty jailer, sa kanang binti upang mapigilan ang kanyang pagtakas mula sa isang selda ng Police Community Precinct-Bacao dakong 8:30 ng umaga noong Miyerkules.

Isang pintor at residente ng Stateland View, Barangay Manggahan, si Fontalba ay nahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act 9262 (Anti-Violence Law for Women and Children).

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa ulat ni PO3 Rommel Leynes, officer-on-case, kabubukas lamang ni Otic ang steel gate ng presinto upang magdala ng lalagyan ng tubig nang biglang umiskiyerda si Fontalba.