Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Arena)

9 a.m. Perpetual vs. EAC (srs/jrs)

1 p.m. San Sebastian vs. Lyceum (jrs/srs)

Dahil sa nangyaring pagsuspinde ng NCAA Management Committee sa mga manlalaro ng Emilio Aguinaldo College (EAC), matapos na masangkot sa rambulan sa nakaraang laban nila ng Mapua noong Lunes, inaasahang pormal na igagawad ng koponan ang panalo sa University of Perpetual Help sa nakatakda nilang laro sa second round ng NCAA Season 90 basketball tournament.

National

Sen. Go, ibinahagi pakikipagkita nila ni Ex-Pres. Duterte kay INC leader Manalo

Sa ganap na alas-9:00 ng umaga itinakda ang nasabing laban ng Altas at Generals na susundan ng laban ng kanilang juniors team sa alas-11:00 ng umaga bago ang salpukan sa pagitan ng juniors at seniors team ng San Sebastian College (SBC) at Lyceum sa ganap na ala-1:00 at alas-3:00 ng hapon, ayon sa pagkakasunod.

Apat na manlalaro lamang ng Generals ang hindi nakasama sa pinatawan ng suspensiyon na kinabibilangan nina Jerald Serrano, Christ Mejos, Ai Indin, at Jozhua General kung kaya sila lamang ang may pagkakataong maglaro ngayon.

Napatawan ng limang game suspension ang nagpasimula ng gulo na si John Tayongtong, tatlong laro naman kina Jack Arquero, Jan Jamon at Ariel Aguilar, tig-dalawa sina John Santos, Manelle Quilanita at Edsel Saludo at isang laro naman kay Faustine Pascual.

Ngunit batay na rin sa nakasaad sa NCAA rules, kinakailangang may tig- limang players ang bawat magkalabang koponan bago simulan ang isang laro.

Kaya naman inaasahan na ang forfeiture sa nasabing laro ng Generals laban sa Altas na makakapagsolo naman sa ikaapat na posisyon dahil siguradong aangat sila mula sa kasalong Jose Rizal University (JRU) Heavy Bombers na gaya nila’y may barahang 9-6 (panalo-talo) habang sinusulat ang balitang ito.

“Matuloy man o hindi ay paghahandaan namin ang laro para sigurado,” ito ang sinabi ni Altas coach Aric del Rosaroio na tiyak na mas lalakas ang tsansang makahabol sa Final Four.

Samantala, sa tampok na laban, kapwa wala na sa kontensiyon at mapaganda na lamang ang kanilang pagtatapos ang tiyak na hahabulin ng San Sebastian College (SSC) at Lyceum of the Philippines.

Partikular na maghahabol ng panalo ang Stags na nais na maputol ang kinasadlakang 10-game losing skid na nagbaba sa kanila sa ikasiyam na posisyon na taglay ang barahang 3-11.