Sa halip na sumipot sa pagpapatuloy na pagdinig ng Senate Blue Ribbon kaugnay sa overpriced Makati City Hall Building 2, nagpadala ng “Jurisdiction of Challenge” si Makati Mayor Jejomar Erwin Binay sa lupon upang pormal na kuwestiyunin ang imbestigasyon na isinasagwa ng komite sa kanyang pamilya.

Inihayag ni Mayor Binay na hindi siya dadalo sa pagdinig sa Senado na nagsimula ng 10:00 ng umaga sa kabila ng natanggap nitong subpoena mula sa komite.

Aniya karapatan niyang huwag sumipot at naglatag pa ng mga dahilan ang alkalde kabilang ang pagkuwestiyon nito sa paglagpas na sa hurisdiksiyon o kapangyarihan ang komite sa nasabing imbestigasyon na sana’y nakatuon dapat lamang sa alegasyon sa overpricing ng gusali ngunit maraming isyu na ang pinayagan talakayin ng mga senador.

Bukod pa rito, ang sinasabing pananakot ng mga senador sa testigo, pagtanggap ng kasinungalingan ng isang testigong ipinasok pa sa Witness Protection Program (WPP), pagbibigay ng tiwala at hindi pagpapanagot sa testigong umaming nakinabang sa proyekto, paglilihis ng usapin at pre-judging ng mga senador.

National

Sen. Imee sa mga 'gigil' i-impeach si VP Sara: 'Demokrasya ang gusto n'yong paglaruan!'

Giit ng alkalde limang oras niyang sinagot ang mga ibinatong tanong ng mga senador sa pagdinig noong Agosto 20 at nagpadala pa siya ng mga department head ng Makati City para magalang na iparating sa Senado ang kanyang jurisdictional challenge dahil marami rin naman siyang dapat gampanan sa lungsod.

Maliban kay Mayor Binay, napadalhan din ng subpoena ng Senado sina Ebeng Baloloy at Gerry Limlingan na tumanggap umano ng 13 porsiyentong kickback sa mga proyekto sa Makati.