Simula sa susunod na buwan, magaangkat ang Pilipinas ng 500,000 metriko toneladang bigas mula sa Vietnam at Thailand sa pamamagitan ng government-to-government transaction, ayon kay Presidential Adviser for Food Security and Agricultural Modernization Francis Pangilinan.

“They would have to deliver their first tranche by October 15,” pahayag ni Pangilinan nang inspeksiyunin ang 50 container ng white rice na nasamsam sa Manila International Container Port (MICP).

Aniya, itinakda ng National Food Authority (NFA) ang delivery ng imported rice mula Oktubre 15 hanggang Disyembre 2014.

Nakasaad sa kasunduan na magpapasok ang Thailand ng 300,000 metriko toneladang bigas habang ang Vietnam ang magus-supply ng natitirang 200,000 metriko tonelada sa presyong mas mababa sa inalok sa failed bidding.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Una nang nabigo ang NFA na makakuha ng katanggap-tanggap na presyo sa bidding ng 500,000 metriko toneladang bigas dahil masyado malaki ang halaga ng mga ito sa inaprubahang budget para sa kinontratang $456.60 kada metriko tonelada.

Ani Pangilinan, nakatipid ang gobyerno ng $13 kada metriko tonelada bilang bunsod ng failed bidding.

Sa kabuuan, sinabi ng opisyal na nakatipid ang NFA ng mahigit sa US$6 milyon o P290 milyon para sa kalahating milyong metriko toneladang imported rice.

“It was right for us to reject the prices offered at the failed bidding because we were able to save … when we rejected the bid offers as too high and went into government-to-government (deals),” paliwanag ni Pangilinan.

Nang tanungin ng mga mamamahayag kung plano ng gobyerno na dagdagan ang rice import dahil sa nasirang 87,576 toneladang bigas sa mga bagyo, tumangging magkomento si Pangilinan.

“But right now yields are coming in, harvest time is around the corner. The price of rice grain is now lower compared to the first half (of the year),” pahayag ng dating senador.