TARLAC CITY – Namatay ang isang binata sa Common Terminal ng Block 4 sa Barangay San Nicolas, Tarlac City matapos barilin ng security guard, Sabado ng gabi.

Namatay sa tama ng bala sa dibdib si Raul Reyes, 19, ng nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Wilson Ducusin, bandang 10:45 ng gabi ay nag-iinom sa Mylene’s Canteen si Reyes na nagalit nang pagsabihang magsasara na ang kainan. Habang pigil ni Marlon Jamon, 19, security guard, ay pinagsasampal ng biktima ang sekyu na nagalit at binaril sa dibdib si Reyes.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20