Derek-Ramsay-copy (1)

NAGING emosyonal at naiyak si Derek Ramsay pagkatapos ng Q and A sa press launch ng The Amazing Race Philippines Season 2 dahil sa pinagdadaanan niyang legal battle na inihain ng ina ng kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly.

Kung dati ay ayaw pag-usapan ng TV host/actor ang tungkol sa isyung ito dahil nga kasalukuyan itong nasa piskalya, last Monday night ay hindi niya napigilang hindi maglabas ng sama ng loob.

“It’s difficult, it’s really difficult, but I have to be strong.  In time, I know maaayos din,” sabi ni Derek.

National

AFP chief Brawner, iginiit na hindi ‘military kudeta’ solusyon sa problema ng bansa

Nagkita na uli at nakapag-bonding na sila ng kanyang anak na si Austin na 11 years old na ngayon.

“Yes, not enough, even though it’s in the contract na I have my visitation rights, she (Christine Joy) didn’t allow me to exercise my visitation rights, I only saw him four times in three years,” pagtatapat ni Derek.

Ano na ang pinal na napag-usapan nila ng dating asawa niya tungkol sa anak nila?

“The thing is pabagu-bago ang ano nila, hindi ko na maintindihan, lagi na lang nababago, so the first affidavit, emotional and financial, their reply affidavit, I’m a rapist.  Now, it’s physical, so hindi ko maintindihan, lagi na lang nagbabago, laging nagbabago ng lawyers, wala na akong pakialam sa lawyers nila, wala na akong pakialam sa affidavit nila, basta ako, I promised my son that we’re gonna spend time together,” sagot ni Derek.

Sa Biyernes (Setyembre 25), pa malalaman ni Derek ang maging resulta ng magiging closed-door meeting nila ng ex-wife.

Pumunta siya nu’ng araw na na nag-submit ng affidavit ang nanay ng anak niya.

“Kaya ako nagpunta do’n kasi nalaman kong nandoon ang anak ko, hindi naman ako required to be there on that day, I found out that my son is there, so I wanna see him, I haven’t seen him in months.”

At tungkol sa sulat ng anak na na galit na galit at gusto raw siyang makulong.

“I don’t believe that he wrote that, but I asked my son kung siya ang nagsulat no’n and you meant it, and when he said ‘yes’ I kept my mouth shut for the rest of the meeting.  So sabi ko, ano pa ang magagawa natin para maayos na ‘to? Wala akong pakialam linisin pangalan ko, wala akong pakialam sa career ko, I just want to spend time with my son,” aniya.

“That was the fifth time I see my boy, my son in three years.  So the fifth time in three years, hindi ko alam ang sasabihin ko, kung ano ang experience that he had to see,” say ng aktor.

Noong huli silang magkita, “He calls me dad and he said the last time we saw each other was the best time of his life.  I asked him about it during the meeting, he said, ‘no, I didn’t call you dad, I hate you’.”

Na-brainwash na ba at nabago ang pagtingin sa kanya ng anak niya?

“I don’t want to say anything about that.  I’m not into anything negative about the mom,” sangga ni Derek.

Kuwento pa ni Derek, binibigyan lang siya ng isang pagkakataon na makausap ang anak kaya hindi nasunod ang visitation rights niya, at kahit ngayong nag-usap silang muli ay wala siyang assurance kung matutupad ang nasa kontrata.

“Naiiba lang ang mga numero, pero ano ang guarantee ko na mai-exercise ko to see my boy?”

At tungkol naman sa P45M na hinihingi ng asawa bilang lump sum na sustento para sa anak.

“Forty-five million, 48 million I don’t care about what she’s asking for,” say ng aktor.

Wala raw nilabag si Derek sa mga utos ng fiscal na hindi siya puwedeng magpa-interview sa media, na kabaligtaran naman ng ginawa ni Christine Joy dahil, “Sila ‘yung nagpa-presscon, sila nag-release ng affidavit online, my son’s letter online, she handed out the letter to everybody at the presscon.  It’s hard to believe that my son read overnight online and wrote a letter.”

Ano sa tingin ni Derek ang katapusan ng legal battle na ito?

“Definitely, I want to spend time with my son, I’ll do whatever it takes.”

Kung sakaling mabigyan ng tsansa na makasama na nga ni Derek si Austin, ano ang mga gagawin niya?

“I want him to look at me the way I look at my father, that kind of relationship I want,” malungkot na sagot ng TV host/actor.

Inamin niya na hindi siya nakapagsustento noong bata pa si Austin dahil taong 2011 lang niya nalamang anak niya ito.

“I was very cooperative when I found out that he is my son, I immediately asked what is best for my son, we have a contract, they’re the ones who drafted the contract, they’re the ones who authorized the contract and everything is going smooth then, but here we are,” kuwento ni Derek.

Nitong huling pagkikita nilang mag-ama ay binigyan sila ng dalawang minuto.

“I just told my boy that I promise you that we will spend more time with each other, you’ll understand everything what’s going on when you grow up, please don’t close your door on me, that’s all I’m asking you.”

Naguguluhan si Derek sa gusto ng ina ng anak niya dahil lima na ang abogado.

“My affidavit has all the deposit slips, all the emails, all text messages that came from them.  I want to be peaceful with her, I really do, for the sake of my son,” malungkot na sabi niya.

Nalaman daw ni Derek na tunay niyang anak si Austin noong 2011 at gumawa nga raw ng draft contract ang abogado ni Christine Joy at ang tanging demand noon ay sagot niya ang pag-aaral at gusto naman niyang makasama ang anak niya at bigyan ito ng trust fund.

“Bakit kailangang sila ang may hawak ng pera, kung talagang ang bata ang interest nila?” katwiran ng aktor.

Bakit nadadawit na sa isyu ang ex-girlfriends niya?

“Why did they do that, for what reason? I’ve given up so many times to her demands, I think it’s about time that l fight.”

Nakakalungkot isipin na bagamat may pera o mayaman, sikat at guwapo, hindi lubos ang kasiyahan ni Derek dahil may sama ng loob sa kanya ang sariling anak.