July 21, 2026

Home BALITA National

'Di kayang utusan ng Speaker ang DPWH secretary!'—Abogado ni Romualdez

'Di kayang utusan ng Speaker ang DPWH secretary!'—Abogado ni Romualdez
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Dumepensa ang kampo ni dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sa muling pagdadawit umano ng pangalan ng mambabatas sa maanomalyang flood control projects. 

Sa naging pahayag ng Spokesperson ni Romualdez na si Atty. Elaine Atienza at inilabas ng mga media nitong Huwebes, Hulyo 2, 2026, sinabi niyang wala raw ebidensyang nagpapatunay sa koneksyon ng mambabatas sa naturang anomalya. 

“They do not square with how the national budget process actually works,” pagsisimula niya.

Buwelta ni Atienza,  wala raw sinomang opisyal o naging kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nakapagbanggit ng pangalan ni Romualdez na nagplano, nag-implenta, nagbayad, nag-inspeksyon, o naglabas ng pondong kaugnay sa maanomalyang flood control projects. 

Anang abogado, maging si dating DPWH Sec. Manuel Bonoan na siyang may “firsthand knowledge” umano sa mga operasyon ng naturang ahensya ay hindi rin nadawit si Romualdez. 

National

NBI Dir. Matibag, nagpatutsadang malayo sa kahulugan acronym ng RAGE coalition

“Simple lang kung bakit - because Rep. Romualdez was not involved,” tirada niya, “The issue traces back to the national budget process. Sa prosesong iyan - no single person-not even the Speaker of the House-can control.” 

Paliwanag ni Atienza, nagmumula daw ang National Expenditure Program (NEP) sa ehekutibo ng Department of Budget and Management (DBM) at iniimplementa ng mga ahensya na kabilang ang DPWH. 

“Once submitted to Congress, it is deliberated upon by both the House of Representatives and the Senate,” paglilinaw niya. 

Diin ng abogado, wala raw Speaker ng Kamara ang nakakapagdikta sa mga kalihim ng Gabinete ng Pangulo, maging daw sa mga senador dahil pantay-pantay daw ang mga ito. 

“Sila po ay pantay pantay dyan being elected officials. Primus inter pares,” ‘ika niya. 

Saad ni Atienza, hindi raw saklaw ni Romualdez, bilang Speaker noon, ang paglalabas ng budget ng pamahalaan dahil tungkulin daw iyon ng Executive Branch. 

“Hindi kayang utusan ng Speaker ang DPWH Secretary. Hindi niya kayang diktahan ang DBM o ang Senado. At lalong hindi siya ang nagpa-plano ng proyekto, nagpapa-bid, nag-a-award ng kontrata, nag-iinspeksyon, o naglalabas ng pondo,” aniya. 

Pagpapatuloy ni Atienza, gusto lang daw palabasin ng iba na si Romualdez ang “mastermind” o ulo sa likod ng naturang anomalya upang maging “political scapegoat” ang huli sa kabila ng mga kakulangan ng ebidensya kaugnay sa mga alegasyong idinadawit sa mambabatas. 

“Rep. Romualdez is being portrayed as the convenient excuse and political scapegoat despite the absence of evidence linking him to the alleged anomalous projects,” pagtatapos niya. 

KAUGNAY NA BALITA: 'I will not go quietly, I will not go alone!' Romualdez, pumalag sa tangkang gawing 'scapegoat' sa isyu ng korapsyon