Isang 10 taong gulang na lalaki ang binaril at napatay ng isang caretaker matapos siyang mapagkamalang magnanakaw sa Tinambac, Camarines Sur, Lunes ng hapon.

Hindi na pinangalanan ni Insp. Gregorio Bascuna, hepe ng Tinambac Police, ang biktima na nabaril ni Romeo Darilay, ng Tinambac, Camarines Sur.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, walang pahintulot na pumasok ang biktima at dalawa pang bata sa taniman ng niyog at sa pag-aakala ni Darilay na magnanakaw ang pumasok ay pinagbabaril niya ang mga bata pero tanging ang biktima ang natamaan.

Agad naaresto si Darilay pero hindi na nagsampa ng kaso ang mga magulang ng biktima at tinanggap na lang ang pakikipag-areglo ng suspek.
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya