INCHEON, Korea– Gumising si Fil-German Katharina Lehnert na maaliwalas kahapon na ‘di naapektuhan ng kanyang singles loss isang araw ang nakalipas kung saan ay pagtutuunan naman niya ang women’s tennis team event sa 2014 Asian Games.
Nabigo si Lehnert kay Korean No. 1 Jang Su Jeong, 6-3, 7-5.
Sinabi ng 20-anyos na si Lehnert na ‘di niya batid ang high ranking ni Jang.
“I had chances to win. But in the end, I had more mistakes than her. I could have won the match,” saad nito.
Si Lehnert, ang ina ay lumaki sa La Union, ay naglaro ng propesyunal noong 2010, kung saan ay umakyat ito sa ika-389 noong nakaraang taon sa singles, bago tinapos ang taon na nasa ika-491.
Siya ay may career singles record na 104 wins kontra sa 78 losses.
Ang injuries ang nagdala sa kanya sa kasalukuyang ranking na 619 na inaasahan niyang aangat sa susunod na season.
“My goal is to get into the Top 300,” pahayag ni Lehnert na sinorpresa ang kanyang kalaban noong Linggo na gamit ang kanyang hard at deep returns.
“She was different from the Filipinos I played with during my junior days. She hits hard and deep. Her crosscourt shots are difficult to handle,” paliwanag ni Jang na ang consistency mula sa baseline ang nagdala sa kanyang victory.
“Parang nakikipaglaro si Kath sa pader,” obserbasyon ni Philippine Olympic Committee vice-president Joey Romasanta.
Pinuri naman ni Romasanta ang never-say-die attitude ni Lenhert.
“Fighter ‘yung bata. Fearless. Hindi natatakot magkamali,” giit ni Romasanta, siya ay isa ring tennis buff.
Naniniwala si Lehnert na makararating siya ng malalim sa draw.
“It’s gonna be tough, but I think I can make it,” pahayag nito. “I won’t be here if I think otherwise.”
Sinabi ni Lehnert na sadyang mahal niya ang paglalaro ng agresibo.
“That’s the way I am. But I have to work on my serve,” giit nito.
Nagtala si Lehnert ng back-to-back double faults na nagbigay kay Jang ng 6-5 lead sa second set.
Ilan sa top players dito na tinututukan ni Lehnert ay si Kazakhstan’s Yaroslava Shvedova, ranked No. 65 sa world, at Luksika KumKhum ng Thailand, kasalukuyang No. 96.
Tinanong kung kaya niyang makipagsabayan sa dalawa.
“Yes, right!” saad ni Lehnert na unang naglaro sa bansa sa Southeast Asian tennis championships noong nakaraang taon sa Bangkok.
Nagkasya lamang siya sa bronze medal sa women’s singles matapos na mabigo kay Kamonwon Buayam ng Thailand, 6-4. 6-2, sa semifinals.
Ang draw para sa men’s at singles’ events ay gaganapin ngayon. (Rey Bancod)