Kathryn-Daniel-copy

HINDI pa man kumakalat nang husto ay naayos na agad ang gusot ng hottest love team na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Kasagsagan ng bagyong Mario nang mag-trending sa social media ang tsikang hiwalay na raw ang dalawang sikat na Kapamilya young stars.

Ang itinuturong dahilan ay isang babae na ayon sa isang KathNiel fan ay kausap ni Daniel sa cellphone na ikinakilig ng aktor ang pagtawag.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sa ibang kampo, tinukoy ang girl bilang si Jasmin Curtis Smith. Pero ayon sa ibang fans ay si Kathryn ang kausap ni Daniel, at nabigyan lang ng ibang kahulugan.

Kung anu-anong posts ang mabilis na naglabasan sa social media at meron pang lumabas na larawan nina Daniel at Kathryn na parehong mugto ang mga mata na parang galing lang sa iyakan.

Pero sa katatapos na Bench fashion show ay kumpirmadong ayos na ang gusot ng dalawa.

Kita sa Instagram photos na sweet na sila ulit na parang walang nangyari. Inabutan ni Daniel ng flowers si Kathryn habang nasa stage sila at hindi raw ‘yun bahagi ng programa kundi kusang ginawa ng young actor.

Kasabay nito, ganoon na lang ang pakiusap ng ina ni Daniel na si Karla Estrada na tigilan na sana ang mga paninira sa anak niya. Aniya, napakabait ni Daniel at hindi raw naman kayang basta na lang ibagsak ang isang kagaya ng anak niya.

“Kokonti lang naman ang naninira kay DJ. Mas marami ang nagmamahal sa kanya. Kaya maraming maraming salamat sa kanila,” sey pa ni Karla.

Pero isang source ang nagbulong sa amin na nang sumabog ang balitang tampuhan nina Daniel at Kathryn ay namagitan ang management ng dalawa. Parehong kinausap ang magka-loveteam at pinayuhang magkasundo agad at huwag nang patagalin pa ang anumang gusot dahil para na rin daw ito sa career nilang dalawa.