INCHEON, Korea — “If we could win eight, we’ll take them all!”

Alam ni boxing coach Rhoel Velasco na ang statement na ito ay malaking hamon para sa kanyang mga batang atleta, lalaki at babae, ngunit nakatulong itong bawasan ang pressure na nararamdaman ng mga boksingero.

Si Rhoel at ang nakatatandang kapatid at kapwa coach na si Nolito ay tinipon ang koponan sa mess hall ng Athletes Village upang bantayan ang kanilang kinakain, isa sa maraming isinasaalang-alang ng magkapatid na Velasco sa kanilang daily routine rito.

Bukod sa ilang biruan, seryoso ang buong koponan, ayon kay Rhoel.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga aspirants na nag-file ng COC at CONA ngayong Oct. 3

“Tuloy lang ang training namin dito bago kami sumabak sa laban. Gusto naming ma-surpass ‘yung record namin last time sa Guangzhou,” ani Velasco.

Nakakuha ang Pilipinas ng medalya sa bawat kulay noong 2010 sa China mula kina flyweight Rey Saluday (gold), woman flyweight Annie Albania (silver) at lightweight Victor Saludar (bronze).

Ang mga nasabing boksingero ay napalitan ng mga bagong mukha upang maging kinatawan ng bansa.

Sa pagkakataong ito, sasandal ang magkapatid na Velasco kina Wilfredo Lopez, Mark Anthony barriga, Mario Fernandez, Charly Suarez, Dennis Galvan, ian Clark Bautista at woman boxers na sina Nesthy Petecio at Josie Gabuco.

Sa kanilang pagsabak, kumpiyansa ang magkapatid na Velasco na mahihigitan nila ang 1-1-1.

At ito, aniya, ay mas abot-kamay