Nangangalap ang Southern Luzon Command (Solcom) ng mga donasyon, gaya ng pagkain, tubig at gamot para sa mahigit 31,000 taga-Albay na nakatuloy ngayon sa mga evacuation center dahil sa pagsabog ng Bulkang Mayon.

Sinabi kahapon ni Air Force Lt. Col. Lloyd S. Cabacungan, public information officer ng Solcom, na patuloy na umaapela at tumatanggap ng mga donasyon o anumang tulong ang Solcom mula sa mga ahensiya ng gobyerno at non-government agency, mga negosyo, eskuwelahan at publiko.

Dagdag nito, sinabi ni Cabacungan na habang isinasagawa ang humanitarian mission ay hinihikayat ni Maj. Gen Ricardo Visaya ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na itigil muna ang pag-atake sa militar. - Danny J. Estacio
National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA