Ai-Ai-Delas-Alas_JIMI-copy-550x485

IPINAGTANGGOL ni Direk Wenn Deramas ang kaibigang si Ai Ai delas Alas laban sa bashers na kung anuano ang masasakit na salitang itinatawag sa komedyana simula nang aminin nito ang tungkol sa lumitaw na 20 year-old na nagsabing boyfriend nito.

Katwiran ni Direk Wenn, lahat naman ng tao ay naghahanap ng sulok sa mundong ito. Sa paghahanap, kung minsan ay nagkakamali tayo pero kung minsan naman ay nakakatsamba ng tama sa panlasa natin.

Banggit pa ni Direk Wenn, masayang-masaya siya para kay Ai Ai at sa boyfriend nito na estudyante sa La Salle at badminton player.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa birthday party ni Direk Wenn unang idinisplay sa publiko ni Ai Ai ang batambatang si Gerald Sibayan. Ipinakilala ito sa kanya ni Ai Ai.

“Totoong batang-bata pa pero hindi na siya ganu’n kabata pagdating d’yan. Kumbaga, alam na ni Gerald kung anong bagay ang pinasok nilang dalawa ni Ai Ai. Wala rin naman sa atin ang paghuhusga sa kanila, di ba?” sabi pa ng direktor ng Maria Leonora Teresa na kasalukuyang pinipilahan sa mga sinehan.

Dagdag paliwanag pa ni Direk Wenn, wala namang inaagrabyadong tao sina Ai Ai at Gerald at ang tanging rason kaya may mga lumalait sa kaibigan niya ay dahil sikat na celebrity ito.