Toni-Gonzaga_JIMI-copy

PARA kay Toni Gonzaga, walang maaaring pumalit sa trono ni Kris Aquino sa ABS CBN. Ayon kay Toni, nag-iisa lang ang Queen of All Media.

"Si Ate Kris ay anak ng bay ani 'yan. Alam nating lahat na nakikita sa pera natin ang parents niya. Ako, ang parents ko, nakikita lang sa Taguig," napatawang sabi ni Toni.

Dagdag pa niya, kahit saang anggulo tingnan ay hindi niya kayang palitan ang isang Kris Aquino at lalong hindi niya kaya ang mga ginagawa ng host ng KrisTV at Aquino & Abunda Tonightat co-host niya sa The Buzz.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

May sarili rin siyang titulo bilang Multimedia Star, at mas gusto niyang makilala bilang uniquely Toni Gonzaga at hindi raw dapat pinapalitan ang isang tao. Katwiran pa rin ng kausap namin na magkaiba raw naman tayong lahat.

"May kanya-kanyang mga bagay na kayang gawin at hindi kayang gawin. At sas totoo lang, eh, hindi ko kay a ang ginagawa ni Ate Kris," diretsong banggit pa rin ni premyadong aktres at TV host.

Samantala, pagdating sa paglagay sa tahimik ay wala pa rin daw sa mga immediate plan nilang dalawa ng boyfriend na si Direk Paul. Ayon pa rin sa kanya , ang pag-aasawa raw ay hindi pinaplano dahil kusa itong darating na hindi mo minsan inaasahan.

Pangako pa ni Toni na kung sakaling darating na sila sa pun tong kailangan na nilang lumagay sa tahimik ni Direk Paul ay ipagsigawan din daw nila yun sa lahat.

"Bakit ko naman ililihim sa kanila,eh, dapat ko pa ngang ipagyabang yun dahil pangarap ng lahat ng kagaya ko ang bagay na yan," lahad pa ni Ms. Toni Gonzaga.