SA pagdagsa ng mga deboto ni Birheng Maria mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa papunta sa Naga City para sa taunang Peñafrancia Festival, nakikiisa ang GMA Network sa pagdaraos ng unang Bet ng Bayanregional finals ngayong Linggo, September 21.

Ang kahanga-hangang bets mula South Luzon ay magtatagisan ng galing sa regional finals na gaganapin sa Plaza Quezon simula 6 PM. Mangunguna sa event, na isa ring Kapuso Fiesta, sina Bet ng Bayan hosts Regine Velasquez- Alcasid atAlden Richards, na parehong naghanda ng kani-kanilang bonggang performances para sa mga Bicolano.

Sa September 21 din gaganapin ang auditions ng nagbabalik na reality-based artista search on television na Starstruck sa The Event Center ng SM City Naga simula 10 AM kasama ang Starstruck survivor na si Ryza Cenon.Tatakbo ang auditions hanggang Lunes, September 22, na may parehong schedule.

Samantala, mapapanood ang special live coverage ng Peñafrancia fluvial procession na pinamagatang An Pag-Debosyon kan Masa ngayong araw (Sabado, September 20), 2:30 PM, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA TV Bicol.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang highlights ng pakikiisa ng GMA sa Peñafrancia Festival ay mapapanood sa Let’s Fiesta! sa September 28 sa lahat ng GMA regional stations sa Ilocos, Bicol, Dagupan, Cebu, Iloilo, Bacolod, Davao, GenSan, at Cagayan de Oro.