PUNTO por puntong sinagot ni Vice President Jejomar ang mga paratang laban sa kanya na tinawag nitong haka-haka lamang o walang basehan kaugnay sa overpriced Makati City Hall Building 2 na kanyang idinaos sa meeting room ng Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City kahapon.

Ayon kay Binay lalaban siya para linisin ang kanyang pangalan na aniya hindi lamang para sa kanya o kanyang pamilya subalit para sa sambayanang Pilipino.

Nilinaw ng Vice President na dumaan sa pagsusuri ang lahat ng nagawang transaksiyon at mga proyekto sa Makati noong alkalde pa siya ng lungsod na nagpapatunay na walang katiwalian at pagmamalabis. Iniisa-isa ni Binay na sinagot ang lahat ng paratang sa kanya na una ay dumaan sa mahigpit na audit ng Commission on Audit (COA) sa loob ng limang taon na pagpapatayo sa Makati City Hall Building 2.

Aniya kada taon ginagawa ng COA ang pag-audit bukod pa ang technical audit ng mga teknikal na eksperto gaya ng engineer, architect, surveyor, at mga ekspertong accountant na umabot sa sampung audit na walang nakitang anumang anomalya.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

Iginiit ni Binay ang kontratista ng gusali ay direktang nagsabi na hindi ako humingi o binigyan ng suhol at kung mayroon aniyang komisyon na sinasabing kinuha ng vice mayor, maliwanag na para rito lamang iyon.

Ang bintang ng unang testigo na may overpricing sa ipinatayong gusali at ibinatay sa estima o taya ng National Statistics Office (NSO) na klinaro pa ng tanggapan na hindi tamang batayan ang kanilang pag-estimate na ibig sabihin ay hindi ebidensiya.

Wala ring katotohanan aniya ang umano‘y niluto ang bidding ng proyekto na walang maipakitang dokumento.

Sabi-sabi lang ang bintang na kumita ang dating alkalde ng Makati dahil lamang umamin ang dating vice mayor na si Ernesto Mercado na kumita siya sa naturang proyekto at siya ang umano’y naghahatid ng komisyon na nakasilid sa malalaking bag na wala pa ring ebidensiya.

“Hindi na bago ang mga paratang nila sa akin. Tuwing halalan na lang sa Makati ang ganitong kasinungalingan ay nilalako at binubuhay ng aking mga kalaban sa pulitika. Ngunit ang husga at tinig ng taumbayan ng Makati: serbisyong Binay pa rin ang maaasahan,” pahayag pa ng Vice President.