Ni LIEZLE BASA IÑIGO

LINGAYEN, Pangasinan- Pinabulaanan kahapon ng Provincial Health Office sa lalawigan na ito na may isang Pinay nurse na nagpositibo sa MERS-COV.

Sinabi ni Dra. Ana de Guzman, PHO officer, na walang kaso ng MERS-COV ang nangyari at patuloy ang ginagawa nilang pagmomonitor sa kasalukuyan.

Nilinaw din nito na walang kakayahan ang probinsiya para suriin ang isang pasyente na positibo sa MERSCOV.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Samantala, iniulat naman sa national radio station na nananatiling naka-isolate sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) ang isang Pinay nurse na mula sa Saudi Arabia na nagpositibo sa Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus (MERS-COV).

Sa ulat ni Dr. Ricardo Audan, SPMC chief of clinics, na naka-isolate na ang nasabing Pinay nurse sa Davao City.

Ipinahayag ni Dr. Audan na nagsagawa na sila ng isa pang pagsusuri at inaasahan na lalabas ang resulta sa araw ngayon o bukas.