SINUSPINDE na ng Senado bilang pagtalima sa kautusan ng Sandiganbayan si Sen. Minority Leader Juan Ponce Enrile, beteranong mambabatas, administrador ng martial law, at isang legal eagle sa larangan ng batas. Ang suspensiyon na tatagal ng 90 araw ay bunsod ng kasong plunder na hawak ngayon ng korte.

Sa loob ng tatlong buwan, hindi makatatanggap ng sahod si JPE bilang isang senador. gayunman, ang kanyang staff ay patuloy na tatanggap ng mga suweldo. Akalain ba natin na ang isang magaling na abugado at mambabatas na hinangaan ng mamamayan dahil sa mahusay na paghawak sa Corona impeachment, ay biglang babagsak at makukulong dahil lamang sa bintang na sangkot siya sa P10-billion pork barrel scam ni Janet Lim-Napoles. O salapi, ilang kaluluwa ang iyong ibinulid nang dahil sa iyong kinang?

Parang ang rightist groups ay dismayado na rin sa pamamahala ni Pangulong Noynoy aquino sa bansa. Noong Setyembre 1, isang SUV na may lulang explosives ang natuklasan ng NBI sa parking area ng Terminal 3. Nadakip ang apat na suspect na diumano ay military reservists na kabilang sa rightist group na diskontento sa paghawak ng administrasyon ng Pangulo sa gusot sa west Philippine Sea.

Ayon sa awtoridad, plano ng mga suspect na magpasabog sa paliparan, sa MOA at sa Chinese Embassy sa Manila upang mayugyog at magising nila si PNoy, mga KKK at advisers na kumilos at manindigan nang matigas laban sa pananakop ng China sa islets, atolls, reefs na saklaw ng Exclusive Economic Zone ng Pinas. Hindi raw dapat maging malamya at malambot na parang mamon ang pakikiharap sa mandudurong China!

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Mula sa London, may balitang sina Prince william at Kate Middleton ay sumakay nang incognito sa King’s Cross Railway Station taliwas sa mga opisyal ng gobyerno na nagpapa-selfie pa o nakukunan ng litrato habang nakapila sa MRT-3 station para subukang sumakay sa tren. Nakasuot ang Duke at Duchess of Cambridge ng casual clothes at baseball caps nang magbiyahe sa Norfolk, England. Wala silang bodyguard. Halos hindi sila napansin ng mga commuter.