Angel-Locsin_REGGEE

SINUSUYO na ni Angel Locsin hindi lang ang mga kaanak at kaibigan ng boyfriend na si Luis Manzano kundi pati na ang mga taga-Batangas.

Ang Kapamilya actress ang nagprisinta na maging special guest sa gaganaping " Alay Lakad" sa Batangas ngayong araw.

Siyempre, kasama niya mismo si Luis, kay a silang magkasintahan angmangunguna sa libu-libong mga Batangueno na maglalakad ng ilang kilometro para makalikom ng pera para sa out of school youth sa kanilang probinsiya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang nasabing proyekto ay yearly event ni Gov. Vilma Santos-Recto at sana nga raw ay magpatuloy pa rin kahit hindi na ang Star for All Seasons ang gobernadora ng Batangas.

Taun-taon din ay nasa Batangas kami with some members of the press. Last year ay ang boxing champ na si Manny Pacquiao ang special guest, na nag-donate ng malaking halaga.

Maraming beses na rin namang nakarating si Angel Locsin sa opisina ni Ate Vi sa kapitolyo ng Batangas at pinaka-memorable sa kanya ay ang first time niyang pagdalaw. 'Yun ay noong dalhin siya ni Luis para pormal na ipinakilala kay Ate Vi. First term pa lang ni Ate Vi bilang gobernadora noon.

Siyempre, aprubado na noon pa kay Gov. Vi ang relasyon ng kanyang panganay kay Angel. Banggit pa nga namin sa kanya noon, siya na rin sana mismo ang magkasal sa dalawa pero tumutol si Ate Vi.

Katwiran niya, wala siyang karapatang mag-administer ng kasal dahil ayon sa Saligang Batas ay ang huwes, mayor at iba pa ang puwedeng magkasal at hindi kasama ang gobernador.

Samantala, tuloy na ang meeting ni Ate Vi sa mga tag a-Star Cinema at dalawa sa mga pag-uusapan ang gagawin niyang movie with Angel Locsin at 'yung posilidad na gaga wing niyang TV special.