Boy Abunda

WALANG takot sa karma ang kung sinumang nagkakalat sa social media tungkol sa King of talk na si Boy Abunda. Pinatay ng taong ‘yun ang isa sa mga pinakamamahal, kung hindi man pinakamamahal, na showbiz personality.

Well, wala pong katotohanan ang nasabing balita. Katunayan, habang sinusulat namin ang item na ito ay tinawagan kami mismo ng kanyang pinagkatiwalaang assistant na si Philip. Ayon kay Philip, mabilis na nakakarekober si Boy Abunda.

Aniya pa, ang dating nawalang 20 pounds sa timbang ng premyadong TV host dulot ng pagkaospital at operasyon ay unti-unti nang bumabalik na. Hindi na rin daw ganu’n katindi ang naramdamg ng pananakit ng katawan ni Kuya Boy.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Just yesterday, eh, sinamahan ko siya para sa kanyang follow-up check-up and it is not naman because the doctors required him to do so, but because the only thing he’s complaining at the moment is the pain on the aspirate procedure. May konting pain pa rin ‘yung naging operasyon niya,” sey pa ni Philip.

Kay Philip din namin nalaman na hindi pa raw handa si Kuya Boy na balikan ang trabahong naghihintay sa kanya. Kaya hindi muna natin mapapanood si Boy Abunda sa kanyang mga regular TV show a month, more or less.

“We won’t be seeing him on TV anytime soon because he’s scheduled to leave for a vacation this week in a place where there’s sun and fresh air,” dagdag pa ni Philip.

Aniya pa, kailangan pa rin ngayon ni Kuya Boy ang dasal ng mga nagmamahal sa kanya para sa kanyang tuluyang paggaling. Gusto rin daw iparating ni Kuya Boy ang pasasalamat sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya na walang sawang ipinagdarasal siya.

Kinumpirma rin ni Philip na may mga kasalukuyang programa si Kuya Boy na hindi na niya gagawin pagbalik niya sa trabaho. Maaaring dalawa sa kasalukuyang shows ng TV host ang iiwanan niya. May posibilidad din na tuluyan nang iwanan ni Kuya Boy ang tatlong regular shows niya.