NEW YORK (AP)– Ang Euroleague champion na Maccabi Tel Aviv at dalawang iba pang ballclub ay magiging bahagi ng NBA sa preseason games na katatampukan ng international teams sa North America.

Ayon sa statement ng liga kahapon, makakasama rin ang Maccabi Haifa, isa ring koponan mula Israel, at ang Brazilian team na Flamengo.

Uumpisahan ng Maccabi Tel Aviv ang kanilang paglalakbay sa Oktubre 5 laban sa Cleveland Cavaliers at ang dati nilang coach na si David Blatt. Kasunod nito ang kanilang pagbisita sa Brooklyn, dalawang gabi matapos ang laro, upang tapatan ang Nets.

Ito ang ikaapat na biyahe sa loob ng limang taon sa U.S. para sa Maccabi Haifa, na makakaharap naman ang Washington, Portland, Sacramento, at Toronto.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Magtutungo naman ang Flamengo sa Phoenix, Orlando, at Memphis.