WASHINGTON (AFP) – Pinatay ng Islamic State jihadists ang pangalawang American reporter, sa inilabas na video noong Martes na nagpapakita sa isang nakamaskarang militante na may British accent na nilalaslas ang leeg ng isang bihag na taga-America Sa huling footage, malumanay na nagsalita ang 31-anyos na reporter na si Steven Sotloff sa camera at sinabing siya ay biktima ng desisyon ni President Barack Obama na ituloy ang air strikes sa Iraq laban sa mga jihadist.

Kinahapunan ng Martes ay inatasan ni Obama ang 350 pang tropang Amerikano na palakasin ang seguridad sa US diplomatic facilities at protektahan ang mga tauhan sa kabisera ng Iraq, ang Baghdad.

Sa pagtatapos ang limang minutong video recording, nadiskubre sa online ng SITE terrorism monitoring group at napanood ng AFP, nagbanta ang militante sa isa pang bihag na kinilalang ang British citizen na si David Cawthorne Haines.

“I’m back, Obama, and I’m back because of your arrogant foreign policy towards the Islamic State,” sabi ng nakabalot ng itim na jihadist, hawak ang combat knife at nagsalita sa London accent.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Ang kanyang tinutukoy ay ang video noong nakaraang buwan ng pagpatay sa US journalist na si James Foley, muli ng isang pinaghihinalang British foreign fighter, at halos kahawig ng naunang video.